Module 1: Mga Epekto ng Paggamit at Pag-abuso ng Gateway Drugs
Gateway Drugs
Bagaman nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan, ang labis na paggamit ng mga drogang gateway ay mapanganib sa kalusugan ng tao at nakapagdudulot ito ng iba’t ibang karamdaman at kapahamakan.
Ang
caffeine
ay nakapagpapasigla sa puso at central nervous
system. Ito ay itinuturing na gamot o drugs
dahil sa nagpapagising ito sa ating central nervous
system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng
isang indibidwal. Ito ay matatagpuan sa maraming inumin tulad ng kape,
tsokolate, at maraming softdrinks,
gayundin sa mga pain relievers at
mga gamot na mabibili ng walang reseta.
Subalit
ang sobrang caffeine sa
isang araw ay maaaring magdulot ng ilang hindi magandang epekto sa katawan
partikular sa nervous system at
mga kalamnan. Maaaring maranasan ang mga sumusunod:
1. insomnia o hirap sa pagtulog 2. pagiging nerbyoso 3. hindi mapakali 4.pagiging iritable o madaling mainis 5.paghilab ng tiyan 6. mabilis na pagtibok ng puso 7. panginginig ng mga kalamnan 8. sobrang sakit ng ulo 9. madalas na pag-ihi | |
Ang mga taong naninigarilyo o first-hand smoker, mga taong napaliligiran nga mga taong naninigarilyo o second-hand smoker, at ang mga taong mahilig pumunta o mamalagi sa lugar na pinagdadausan ng paninigarilyo o third-hand smoker ay malaki ang posibilidad na magkasakit dahil sa usok ng sigarilyo. Ayon
sa pag-aaral, ang mga taong maagang nagsimula sa paninigarilyo ay mas maikli
ang buhay kaysa sa mga taong hindi sinubukan at hindi natutong manigarilyo. Ang
mga sumusunod ay ang mga sakit na dulot ng paninigarilyo; sakit
sa baga matinding
ubo at sipon kanser
sa baga, bibig, at lalamunan atake
sa puso, stroke, at altapresyon pagkalagas
ng buhok katarata
pagkabulok
ng ngipin pangungulubot
ng balat dahil sa pagkawala ng protina pagkawala
ng pandinig
Ang beer, alak at iba pang inuming may
alkohol ay isa sa malawakang inuming kinukunsumo sa maraming bansa sa mundo.
Katulad ng tabacco, ang alkohol ay
isa sa mga legal na gateway drugs na
dahilan upang ang isang tao ay malulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa
simula, ang pag-inom ng alak ay ginagawa sa tuwing may mga okasyon lamang
ngunit sa pagtagal, ang pag-inom ng alak ay nagiging karaniwang gawain at
libangan. Kahit ang isang tao ay hindi maituturing na alcoholic, malaki ang posibilidad na matuto rin siyang gumamit at
malulong sa ipinagbabawal na gamot. Ang
alkohol ay may panandalian at pang-matagalang epekto sa katawan ng tao ito ay
ang mga sumusunod; PANANDALIANG
EPEKTO Nahihirapang
umunawa at magpasya Nahihirapang
magsalita Nawawalan
ng balanse sa katawan Pananakit
ng ulo at katawan Pagkakaroon
ng aksidente sa lansangan PANGMATAGALANG
EPEKTO Pagkakaroon
ng sakit sa atay Pagkasira
ng brain cells Pagkakaroon
ng maraming asido na sanhi ng pagkasugat sa loob ng tiyan na maaaring mauwi sa pagdurugo Nagdudulot
ng highblood at sakit sa puso Nagdudulot
ng epilepsy, obesity, at sakit sa
balat.
|
Comments
Post a Comment